04
Nov

portrait: STOP

Saint veronica

Ninoy

fats.:)

Pahinga muna, after 1 year siguro naman kaya ko pa rin. Sabi nga di ba mas masaya gawin ang hilig mo kapag mayaman ka na. natatasahan pa naman siguro ang lapis after 1 year, nakakabura pa rin siguro ang pambura, at siguradong makinis pa rin ang papel.

May mga bagay talaga na kailangan mong iwan para makapagsimula ng panibago.
Ang bilis ng oras…
Naluluma ang lahat ng bagay at Tatanda lahat ng may buhay. Isa pa Hindi hihinto ang oras para lang sa isang taong gustong enjoyin ang buhay.

14
Oct

7 y/o

Maeng! Saling pusa ka lang a!

Nakikipaglaro ka ng habulan pero walang tumataya sayo.
Nakikipagtaguan ng walang naghahanap sayo.
At minsan panggulo ka lang.

Akala ko dati solusyon na sa problema pag opisyal ka ng
kasali sa laro.

~3 beses sa isang linggo kaming pinapayagan lumabas at
makipaglaro.
~Never akong pinayagang sumama sa Fieldtrip.
~Tuwing christmas kami binibili ng laruan.
~Isang beses kong naranasan manuod ng sine kasama ang
buong pamilya. (Emilio Aguinaldo film at dahil  yon sa
project ni ate)
~Every day kaming tinuturuan mag-basa’t magsulat.
~Bawal umabsent sa School.
~Bawal ang badwords ( Tanga, Bobo, Engot, etc..)
~Take out lage pag kumakaen sa Jollibee.
~Bawal ang junkfoods.
~Bawal ang T.V. sa umaga.
~Ang haircut ko laging above the shoulder with bangs.
~Bawal maglaro ng paperdoll, teks, turumpo, jollens,
saranggolla etc. (Nung panahon ko yun pa ang uso).
~Isang beses lang akong nabigyan ng birthday paty.
~Isang beses lang akong nagkalat ng lagim sa school. nagpupu
(Pero hindi sa room, kundi sa labas ng C.R. mahabang istorya
saka ko na ikwekwento)
~Unang beses kong natikman ang yosi. (cough**)
~Madalas akong naiiwan sa school, dahil late ang sundo.
~Ang notebook ko halu-halong subject. (walong notebook
pero ibat-ibang subject sa isang notebook)
~Isang beses lang akong nautusang maglista ng NOISY.
~Isang beses ko lang pinerpek ang math exam 30/30.
(Dahil sa kodigo na binigay ng Kuya ko. Na nalaman pa ng
teacher ko.)
~Maraming beses kaming nag-cutting ng kuya ko.
~Isang beses akong nakipagsambunutan sa bakla kong classmate.
~Lagi akong natatawag sa recitation.
~at lagi akong walang maisagot sa recitation.
~Maraming beses akong nanghahabol ng walis sa mga lalaki
kong classmate.
~Isang beses akong nadaplisan ng lapis sa mata.
~Isang beses kong binigyan ang teacher ko ng  chocolate na
padala ni tatay.
~Isang beses akong nag-kumpisal sa School.
~Isang beses akong nagsinungaling sa pari.
~Isang beses akong nakurot ng teacher ko sa kilikili (ang sakit non.)
~Never akong sumale sa school competitions.
~At maraming beses akong nangopya.

Nag-enjoy ba ko?

Saan na kaya napunta yung batang nangarap makapatay
ng sunog at mag-drive ng malaking uod?

Kung makikita ko uli sya. malamang yayayain nya kong
maglaro, makikipagkulitan.
tatanungin nya rin siguro ako.

“Masaya ka na ba?”

Hindi ko pa sya siguro masasagot.

~Isang beses akong umattend ng J.S. prom.
~Isang beses akong umiyak sa faculty room.
~Isang beses akong Bumagsak sa Math
~Isang beses akong nabugahan ng tubig sa muka, ng
classmate kong inubo.
~Unang beses akong napasama sa rally.
~Unang beses akong sinabihang I LOVE YOU.
~Unang beses akong nangbasted.
~Isang beses akong nakipagsuntukan.
~Unang beses akong Sumayaw sa school Quadrangle.
~Unang beses akong nakapanood ng Play.
~Unang beses akong nakipag-inuman.
~Unang beses kumanta sa Videoke
~Unang beses akong napalayas.
~Maraming beses na walang pang-recess
~Isang beses akong nag shop-lift.
~Isang beses akong sumali sa school club (RCY)
~Unang beses nakakita ng artista.
~Wala ni isang napasang Math Activity na 30 pages.
-Pangalawat huling beses napasama sa TOP 10
~Never naging member ng Student Council.
~Never akong sumali sa school competition.
~At maraming beses akong nangopya.
Nag-enjoy ba ko?

Saan na kaya napunta yung batang
Naglalakad sa mahabang upuan habang kumakaway at sumisigaw.
MABUHAY PILIPINAS!

Kung makikita ko uli sya. Siguro tuturuan nya ulit akong sumayaw
at kumanta.

tatanungin nya rin siguro ako.

“Masaya ka na ba?”

Hindi ko pa rin sya siguro masasagot.

Para saan ba ‘tong mga sinasabi ko?

ewan.

BASTA

Ngayon ko lang na-realize na mas masarap maging matanda kesa
maging bata.

Ngayon ko lang din na-realize mas madali maging bata kesa
maging matanda.

30
Sep

ech?

Ngayong araw na ‘to… sinunod ko ang sarili kong
 desisyon na sana hindi ko pagsisihan sa bandang huli.
Natural lang sa tao ang magduda.
Hindi ka maniniwala hanggang hindi mo mismo napapatunayan
sa sarili mo.
Sa panahon ngayon mahirap magtiwala, pero sa hirap ng
buhay kaylangan talagang sumugal.
Kung madadapa man ako ngayon, may karapatan pa rin
naman akong bumangon diba?

Galit sila alam ko. kasi hanggang ngayon wala pa rin akong plano.
magulo raw utak ko.
Ayokong pumasok sa isang bagay na alam ko hindi ako magtatagal,
kasi dahilan yon para ma dismaya ko uli sila.
Hindi nila ma-gets.
Feeling nila wala akong ambisyon.
Selfish?
Feeling nila sarili ko lang ang iniisip ko.
Hindi yon totoo.
Feeling nila pa-easy-easy lang ako.
Totoo yon.

kase ayokong dumagdag sa problema nila.
ang kaso nami-mis interpret nila.

kaya eto ako ngayon.desperadang ipakita sa kanila na
nag-iisip rin ako.

Gaya ni Bob Ong kelangan ko ng diploma, para may itapal sa
butas sa dingding ng buhay ko.
ech?

naks! 2×2 haha

30
Sep

last

       Hindi mo ginusto ‘to. Pero sa sarili ay may nangyayaring gulo. Walang nakakaalam, walang nakakarinig. Ayaw mong humingi ng tulong dahil alam mong wala ring makakatulong sa’yo. Isa ito sa mga mapaklang katotohanan sa buhay. Maaring ngayon lang ito nangyari, pero alam mong maaari itong mangyari ulit, kahit kailan, kahit saan, kahit kanino.

     Alam ba ng mga kamag-aral ko? Hindi siguro, dahil taimtim silang nagsususlat ng pangalan nila sa papel ng paulit-ulit. Alam ba ng katabi ko? Hindi siguro, dahil seryosong seryoso ito sa pagkukulay ng mga iginuguhit n’yang mga bahay, araw at puno. Alam ba ni Madam? HIndi rin siguro, dahil abala ito sa pagbabantay sa iba mo pang kamag-aral.walang nakakaalam ng kalagayan mo, ng paghihirap mo ngayon.

Hindi mo na kaya ang lahat, ayaw mo ng mag-isip, nais mo ng tapusin ang dusa at pasakit, hindi mo na alintana kung kutyain ka ng kahit sino man, tmigil lang ang pagtulo ng malalamig na butil ng pawis sa iyong katawan. At naisip mong… Ngayon na! Bigla mong inilabas ang sama ng loob, Ang demonyo sa iyong bituka. ang walanghiyang pagkain na nag-pupumiglas sa kalooban mo. Lumipas ang ilang sandali. At doon nakahinga ka ng malalim, nang matiwasay. tumigil na ang unos, payapa na ang kapaligiran. Ginusto mong ngumiti ngunit may isang nagbanta sa kasiyahan.

“Ambaho ano ba yon?!”

Isang kamagaral ang nangahas na nagsabi ng katotohanan. HIndi mo alam kung sino, pero ninais mo syang isumpa. S’ya at ang kanyang malaking bunganga. Gusto mo s’yang pagbayarin sa ginawa n’yang kasalanan ngunit meron na namang humirit.

“May mabaho nga!!”

Huh??? Totoo ba ang narinig mo? hindi lang isa ang traydor sa mga kaklase mo. May isa pa, at isa pa, at isa pa… dumarami sila. HIndi mo na alam ang gagawin mo.Bakit kailangang mangyari ang ganitong trahedya sa isang bata?

“Okay stand-up every body. We shall dance and sing!”

Hindi sila pinansin ni Teacher, ligtas ka na, pero ano tong gusto nyang ipagawa? Paano ka tatayo? Paano mo ipagtatapat ang lahat? Umikot ang iyong mga mata. pumihit ang iyong ulo, pero wala sa paningin ang nanay mo, o si ate’t kuya, kanino ka hihingi ng saklolo?

Litong lito ka na ng mapansin mong lahat ng kamag-aral mo ay nakatingin na sa’yo, pati si Teacher. Ikaw na lang ang nakaupo. Lahat naghihintay na sa iyong pagtayo, mga matang nakatitig sa iyong mga mata. tahimik ang buong klase, tibok ng puso mo lang ang tanging naririnig mo. Hindi mo na alam kung ano pa meron ang buhay. Ayaw mo na sana gumalaw, ngunit tinapos na ng isang bata ang kalbaryo mo ng basagin n’ya ang katahimikan.

“Ay, Teacher, tumae s’ya!!!”

Wala ka na ulit naalala.

 

Last part ng libro ni Bob ong “ABNKKBSNPLAko?!”

27
Sep

hardcore

“May boyfriend ka na ba?”

tumitigil ang pag-ikot ng sarili kong mundo.

Pakiramdam ko…
Isang malaking krimen ang hindi pag-boboyfriend.
Big deal sa kanila kapag nalaman nilang NBSB ka.

TAE.

Mas nag-aalala pa sila sa lovelife ko, kesa sa
pimples nila.

“ihanap kita gusto mo?”

Tumigil ang oras.
Kunwari nag-iisip.

“E ano bang pake mo?!!!”

Kung pwede lang isigaw.

“Bakit wala ka pang boy-friend?”

Nagtataka din ako.
Bakit nga ba?
Wala akong maisagot.

Define love.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
honestly…

wala akong maisip.

What is LOVE?
.
.
.
.

.
.
am…..
love is blind?
         is pure?
         is energy?
         is in the air?
         is colorful?
         is gold?

amp. GOLD? mali ata.

Nag-eenjoy naman ako.
Pumunta sa mall mag-isa.
Kumain mag-isa
Manuod ng sine mag-isa.
Tumawa mag-isa.

May mga kaibigan pa naman ako.
Pero ang hirap isipin na ni-isa  sa mga crush mo…

Walang pag-asa.
Walang future.

Dinededma ka.
Kaibigan lang talaga.
yung iba.. lalake pa ang tingin sayo
at yung iba! lalaki ang gusto nila.
o kaya torpe,
Insicure?
pero okay lang.
Alam ko naman.
bulag lang sila.

           -B-U-L-A-G-
pampalubag-loob ko yan.
        kaya OKAY lang.

Endangered spices na raw ako.

Ansama…

Bata pa naman ako. Mahaba pa buhay ko.
kaya may pag-asa pa.

Isa pa.
hindi ako nag-mamadali.
Take it slow, and follow to the flow…

22
Sep

Nanay

Madaling masira ang araw ko kapag nag-iingay sya sa umaga.
alam nya naman yon. si nanay ang pinak maingay sa aming
lahat. madaldal laging may pinapaliwanag, laging may
kinukwento, laging may sinasabe.
Kapag naumpisahan nya sa gabi itutuloy hanggang umaga.
Pinapakealaman nya ang pag-aayos ng buhok ko.
“Bakit minsan pumapasok ka naman ng walang suklay yang
buhok mo?”
“Naka-plantsya naman  ako..”
“Bakit minsan pumapasok ka naman ng walang suklay yang
buhok mo?”
“Naka-plantsya naman  ako.”
“Bakit minsan pumapasok ka naman ng walang suklay yang
buhok mo?”
“Naka-plantsya naman  ako!.”
Para kaming sirang plaka pag-nagtatalo.
Paulet-ulet.
isa pa.
“Bakit minsan pumapasok ka naman ng walang suklay yang
buhok mo?”
“Ewan ko sayo.”
“Ngayong malaki ka na sinasabihan mo na ko ng ewan ko
sayo!”
“E, ang kulet mo e!”
“bakit ikaw nung bata ka kapag nangungulit ka ba sinasabihan
kita ng ewan ko sayo?”
“Ewan ko sayo?”
“Pinapagalitan ba kita ‘pag sinasabi mong nay bili mo ko
nito……”
“kaya pala di mo ko binile..”
tumawa na lang sya.
kasi totoo, wala akong ginustong binili nya ng di ako lumuluha
ng dugo.

Pareho kami ni nanay, madaling mapikon, pero hindi
papatalo. kaya siguro madalas hindi kami mag-kasundo.
Pinipilit ko pa rin naman syang intindihin.
Pero hindi laging tama ang matatanda, minsan kelangan din
nilang makinig sa mga bata.

16
Sep

dream>space shuttle>gennie>kiko machine.

Managinip kang nilalaypo ang ulo mo. Kung hindi ka
mapabalikwas. Ng hinawakan ko yun tahe lumusot yung daliri
ko dun sa skull ko, naramdaman ko yung saket (~wierd)
Una. Dahil di naman ni lala lipo suction ang ulo.
(ibig ba sabihin non lumalaki na ulo ko?)
Pangalawa. Hindi naman pwedeng lumusot ang daliri mo sa
tahe at mahawakan ang skull mo.
nakakaloka.
Ayoko sa lahat yung mananaginip sa gabi. kaya nga
nag-de-day dreming e.Sayang yung oras na sana ipinapahinga
na ng utak ko. Kinukuha pa ng mga panaginip na puro
kawirduhan lang yung kwento.

May nabasa akong article kung gaano daw kabusising ginawa
ang space shuttle ganon din ang katawan ng tao.

Siguro naman ngpapahinga rin ang space shuttle?
Nanaginip rin kaya sila?

29 years old at pag-dating ng 30 mag-reretired na.
Sa bagay mas nakakapagod ang ginagawa ng space shuttle
kesa sa tao.
130 times nag labas pasok ang space shuttle sa earth.
 3 flights na lang ang kelangan nyang tapusin next year bago
makapag-retired (Atlantis, Endeavour & Discovery flight)
nakaplano na ang lahat para sa kanya.

siguro nga balang araw, makakatira na tayo sa planet jupiter
o kaya sa planet mars. yung araw na yon siguro sobrang
pulluted na tong planet earth. gaya ng napapanood natin
sa mga cartoons.

kung dati naniniwala tayo sa mga gennie and magic. ngayon
naagawa na lahat ng sensya. kung may  gennie lng na lumitaw
sa harap ko at…
“Dahil busilak ang iyong chorva, i’ll grant you a wish”
hindi ko hihilingin na pabagalin ang oras.
Sabi nga ni kikomachine “i-fast forward mo man o slo-mo,
kasabay pa rin lahat. so in theory balewala lang ang
pabagalin ang oras”

tangampotek.

e anong i-wi-wish ko?

hmmmm

ikaw?

kung makita mo si chorvang gennie?

ano i-wi-wish mo?

28
Aug

15 minutes of chorvanes

Ang chorva! ini-snob ako!
gwapo nga muka nmn xng pasas.
duh….

kainis talaga!!!!

anyways…
kamalasan.

cge, dumating n kayo skin.
uubusin ko n lahat ng kamalasan ko.
ng matigil na…. huhuhuhu
pero…

mali e…

feeling ko ako ang nag-i-snob.
tae kaseng sunako-disease yan.

-fear of eye contact
-nosebleed
-shivering
-a-e-i-o-u

aarrrggghhh!!!!

wala ng pag-asa.

im dead.

~ouch

-emo?
 
.xet.

-black outfits?
-messy hair?
-eye liner?
-long nails?

aaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!

nabubuwang na ko!

tug.

dub.

tug.

dub.

tug.

dub.

stop.

 

PS:

Ano ba ang ibig sabihin ng chorva/chorvanes?(curious)

again…

STOP.

20
Aug

suicide note

Ano bang akala nila?
Masasagot ang problema nila kapag nag-suicide sila?
Hindi ba lalo lang lala ang problema ng dahil sa kanila?
Ang totoo hindi sila ang matatapang na tao.
Duwag sila.
Dahil mas gusto pa nila harapin ang kamatayan
kesa sa reyalidad.
Bakit mo sasayangin ang buhay mo?
ng dahil sa pakikpag break ng xota mo?
ng dahil sa baon ka sa utang?
ng dahil sa puro problema ang idinudulot mo sa iba?
ng dahil sa problema ng pamilya mo?
ng dahil sa pam bubuli ng mga kaibigan mo?
ng dahil sa bagsak ka sa exam?
o ng dahil sa nag-suicide ang iba?
TANGA ka.
Kung may LIFE TRANSPLANT lang sana siguro malaki pa ang
naging pakinabang mo.
Baka maging bayani ka pa?
Yung iba nga ginagawa lahat para humaba lang ang
buhay nila, kase alam nila. may mga bagay pa silang
kelangan gawin.
Pag tinakasan ba nila ang buhay nila? matatakasan nila
ang problema?
Di ba hindi naman?
Wala pa namang nag-papatotoo na mawawalan ka ng
problema kapag nag-suicide ka di ba?
Kung may nag-suicide na nag sabing mawawalan ka nga ng
problema kapag ginawa mo ang ginawa nya.
Baka wala ng tao ang natira sa mundo?
Pero bakit sila dumadami?
Bakit kayo dumadami?
Basta ang alam ko napupunta sa impyerno lahat ng
nag-su suicide.
(yun ang sabi ng nanay ko, habang buhay din silang
maghihirap
)
Kung mababasa lang to ng mga nag-suicide siguro magagalit
sila sakin, dahil pinapakelaman ko ang desisyon nila.
Pero bago ka magalet.
MAGALIT ka muna sa sarili mo.
 

 

20
Aug

4 YEARS

Sabi nila sinayang ko raw. pero ang totoo di naman. kina-usap ko ang sarili ko sa loob ng 3 years at gumawa ng kakaiba sa loob ng 1 year. Malaki rin naman ang napala ko.

Nalaman kong:

Kaya kong tumawa sa harap ng maraming tao ng mag-isa lang.

Kaya kong manakal ng mañak.

Kaya kong upakan ang boyfriend na nambubug-bog ng girlfriend.

Kaya kong takbuhin ang tatlong tulay.

Kaya kong patulan ang nag-aamok.

Kaya kong mag-moon walk sa escalator.

Kaya kong kumain ng 1 dozen na honey deep.

Kaya kong tumayo ng 7am hanggang 6pm.

Kaya kong gumawa ng hopia. pero di mukang hopia.

Kaya kong gumawa ng doughnut, pero di lasang doughnut

Kaya kong maging Run-away-bride.

at kaya kong mag-sacrifice kapalit ng pagiging selfish ko.

(Pero minsan may chances talaga na di ko alam kung anong gusto kong gawin.)

Hindi ko ine-expect na kakailanganin ko ng 4 years para matutnan lahat ng yan. (huh?)

(siguro..)

4 years pa….

malalaman ko na…

ako pala

si…

DARNA

???

huh?

new version ni DARNAng laging naka jogging pants?

jologs.

How can i know what i want to do tomorrow? if i dont know what i want to do today.